Sunday 9 February 2020

Ano ang Pag-ibig?

                    Ano Ang Pag-ibig?
Pag-ibig . Isang salitang pag narinig, maaring masaya o malungkot ang pahiwatig. Napakaraming uri ng pag-ibig sa mundo na ating nararamdaman tulad ng pagibig sa pamilya,kaibigan,sa alagang hayop o sa isang tao. Marami rin tayong depinasyon ng pag ibig at depende ito sa ating mga karanasan. Maaaring positibo at maaari rin namang negatibo. Pero ano nga ba ang PAG-IBIG? Para sa akin, ang pag-ibig ay isa sa pinakamasaya at pinakamasarap na pwedeng madama mg lahat ng tao. Dahil hindi makumpleto ang buhay ng isang tao kapag hindi siya umibig. Napalaki ng ginagampanan ng pag ibig sa ating buhay, napakaimportante na mayroon tayo nh pag'ibig sa ating mga puso. Kahit sa ating mga ginagawa,trabaho ma yan o nakagawiang mga gawain o maging sa mga talentong mayroon tayo. Kapag walang pag-ibig na kasama sa ginagawa natin ang mga ito, para lang tayong nag-aaksaya ng panahon.paano tayo magiging masaya kung wala naman pag-ibig na kasama aminin man natin o hindi  napakasayang magmahal. Kapag nagmahal tayo, kahit ang mga na pangit sa ating paningin ay gumaganda pati na ang pananaw natin sa ating buhay ay magiging positibo. Kapag nagmamahal tayo, hindi tayo natatakot na sumubok ng mga bagay na dati nating kinakatakutan lalo na't alam natin na nandiyan ang mahal natin sa buhay para suportahan tayo lalo na ang ating pamilya. Kaibigan at maaari rin namang kasintahan. Kaso iba sa mga tao ngaun, natatakot nang magmahal. Dahil takot masaktan,takot maiwan,takot mabalewala at kung anu-ano pang dahilan. Sa totoo lang kapag umibig tayo, hindi nating maiiwasan masaktan, kasama yan sa pagdadaanan mo pag nagmahal ka. Kapag nagmahal ka, masasaktan at masasaktan ka. Kaya naman bilib ako sa mga taong ilang beses nang sinaktan,iniwan at binalewala ay patuloy parin na nagmamahal, dahil sila ang tunay na matatapang. Ilang beses man tayong maskatan, sana piliin parin nating magmahal at patuloy na magpatawad. Sana wag nating kalimutan ang pakiramdam ng taong nagmamahal. Huwag nating kalimutan ang sayang naiidudulot nito sa ating pagkatao. Paulit ulit man tayong masaktan, isipin natin na mas malaki parin ang sayang naidudulot sa atin kapag nagmahal tayo. Kaya dapat kahit paulit-ulit tayong masaktan sa pag-iwan ng kasintahan, masaktan sa panloloko ng matalik na kaibigan, masaktan sa pagkamatay ng alagang hayop at masaktan sa pagkawasak ng pamilya, hindi dapat tayo  matakot na sumubok ulit na magmahal dahil ang pag mamahal ang kukumpleto sa atin. Ang pagmamahal ang magpapasaya sa atin at higit sa lahat, ang pagmamahal na lumalaban sa buhay at harapin ang bukas nang may ngiti at positibong pananaw. Kaya kung tatanumgin ako ulit ang aking sarili, ano nga ba ang pag-ibig? Ang maiisasagot ko ang pag ibig ang pinakamagandang nilikha ng Diyos na maaaring madama ng mga tao. Dahil ang pag-ibig ang bubuo sa atin. Magmahal tayo kagaya ng pagmamahal ng Diyos sa atin na kahit patuloy natin siyang nasasaktan, tinatalikuran at binabalewala ay patuloy niya parin tayong niyayakap at tinatanggap.